Monday, May 28, 2007

The Irony of God

Ang Balintuna ng Bathala

Hindi ako makalapit sa ‘yo.
Ang liwanag mo’y walang kasing itim kahit ako’y nakapikit.
Ang mukha mo’y nakasisilaw kahit ako’y nakapiring.
Ang tinig mo’y nakakawala ng katinuan kahit ako’y nakatalikod.

Hindi kita magawang yakapin.
Ang init mo’y niyebe sa lamig na nananakot sa balahibong nahimbing.
Ang pawis mong kapag tumagas ay nakalulusaw ng damdamin.
Isa kang talim na nakamamatay.

Hindi ko kayang mahalin ka.
Ang pangangailangan mo’y hindi nangangailangan.
Ang kahinaan mo’y katumbas ng aking kaluluwa.
Ang anino mo’y aking kasaysayan.

Ako’y nagmamakaawa, lumuluhod, tumatangis, nanlilimos ng awa.
Hayaan mong ako’y makalapit.
Pagbigyan mo akong sunggaban ka ng yakap.
Palayain mo ang lakas ng pag-ibig.

“Naganap na!”
Lumapit ka.
Yayakapin kita.
Mahal ko. ***
Alf®

This poem describes myriad ironies people tagged about God. But God is ever gracious and faithful, accepting anyone who believes and trusts in Him as his/her personal Lord and Savior. The last stanza shows the greatest love that Jesus did for me and you. Be blessed:)

No comments: